Mas lamang ang mayaman kesa sa mahirap

Ang mayaman ay nagsisikap para yumaman, Ang mahirap ay nangangarap lng na yumaman.

Ang mayayaman ay karaniwang may mas maraming yaman at ari-arian kumpara sa mga mahirap. 

Sinasabi ng karamihan sa atin na ang mayayaman ang maari lang makagawa ng mga bagay na gusto nilang gawin, subalit ang mga mahihirap ay pinipilit na mabigyan ng sulusyon ang mga problema nila sa pagiging mahirap.

Sa politika, iba pa sa kontrol ng mga mayayaman ang makikita sa mga nasa posisyon, Sila din ang gumagawa ng pagpapahirap at walang awa na pag bibigay na trabaho sa mga mahihirap. Sa halip, kadalasan ay nagsisilbi lamang sila sa interes ng mga nasa matataas na posisyon.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang mga mahihirap pa rin ang tunay na nagpapakita ng kahalagahan at asenso para sa pag usbong ng bansa. Sila ang gumagawa ng paraan upang lumaganap ang pagsisikap at pag bibigay tiyaga sa kung ano mang trabaho ang meron sila, Pinapatunayan din ng mga mahihirap na hindi hadlang ang estado ng buhay para igalang at ipagmalaki ang bansang pilipinas.

Marami ang taong naghihirap, ngunit ito ay hindi binibigyang pansin dahil nakasanayan na ng mga tao ang ganitong pagsubok. Madalas din na sila ang may pinaka matinding hamon na pinagdadaanan, Dahil ang pagiging mahirap ay hindi tumutukoy sa kawalan ng halaga ng isang tao.

Ang pagbibigay ng respeto sa bawat isa, ay isang magandang pakikitnungo anuman ang estado nila sa buhay, ay isang malaking hakbang tungo sa isang mas makatarungan at mas maunlad na pamumuhay.

Sa kabuuan, ang mga pagkakaiba sa mga estado ng buhay, yaman,kakayahan, at edukasyon ay nagtataglay ng malaking agwat sa pagitan ng mga mahirap at mayaman sa lipunan. Ito ay naglalagay ng mga hamon at pagsubok sa mga mahihirap na kailangan nilang harapin ng buong tapang at malampasan sa kanilang mga buhay.

Comments

  1. Ganda ng pagkaka bahagi ng impormasyon sa blog na ito, idol talaga kita wa

    ReplyDelete
  2. napaka ganda at napaka ayos ng iyong pagkaka lahad ng iyong pananaw. Wala rin ganong mga salita na napaka lalim kaya't mas madali itong ma intindihan

    ReplyDelete
  3. Okay ang nilalaman ng blog, may makukuha kang aral. And mas magiging maganda sya if lalagyan mo ng layout, para mas maengganyo ang mag babasa

    ReplyDelete
  4. Tama ang sinabi mo saiyong blog, dahil ang mga mahihirap pa ang nagbibigay halaga sa kanilang ginagawa upang sa pang-araw-araw.

    ReplyDelete
  5. Napakaganda ng pagtalakay sa blog post mo dahil nagbibigay-diin sa hindi pagkakapantay-pantay ng mayaman at mahirap, na nag-uumapaw sa mga tunay na hamong hinaharap ng mga mas nakatatag ang buhay, at ang mahalagang papel ng mga mahihirap sa pag-unlad ng bansa sa kabila ng kanilang mga pagsubok.

    ReplyDelete
  6. Maganda yung pagkakalahad mo ng ideya sa blog na ito, naisiwalat mo ng maayos ang tunay na nangyayari kung mahirap ang isang tao at ang katayuan nito sa bahay kumpara sa mga taong mayayaman. Galinggg!

    ReplyDelete
  7. Napakahusay, nagustuhan ko ang laman ng iyong blog, dahil ito ay nagpapahayag ng pag-aalala sa malaking agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahirap sa lipunan, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng paggalang at pagkakapantay-pantay sa pagitan ng lahat ng tao.

    ReplyDelete
  8. Magaling! Kahit na may mga typographical error o kulang na letra ang ilang talata, nagawa mong maipa-intindi ang nilalaman nito at nakuha mo rin ang aming atensyon sa paksa ng iyong blog. Tunay na Mahusay!

    ReplyDelete
  9. Maganda ang pagkakabahagi ng impormasyon at siguradong may makukuhang kaalaman mula rito.

    ReplyDelete
  10. maayos ang paglalahad mo ng iyong blog, MAHUSAY

    ReplyDelete
  11. Nabigyan ng mahusay na koneksyon ang politikal na usapin at estado ng buhay na umiiral sa lipunan.

    Nakapagbigay ka rin ng mga halimbawa kung saan mapapadali ang pag-unawa at mailarawan ang kadalasang tagpo sa pamahalaan.

    Ibinahagi mo din ang magkaibang panig kung saan makikita ang parehong negatibo at positibong dulot nito sa atin.

    ReplyDelete
  12. Nabigyan ng mahusay na koneksyon ang politikal na usapin at estado ng buhay na umiiral sa lipunan.

    Nakapagbigay ka rin ng mga halimbawa kung saan mapapadali ang pag-unawa at mailarawan ang kadalasang tagpo sa pamahalaan.

    Ibinahagi mo din ang magkaibang panig kung saan makikita ang parehong negatibo at positibong dulot nito sa atin.

    ReplyDelete
  13. Ang husay! nag-enjoy akong magbasa ng iyong blog

    ReplyDelete
  14. Ang sakit pala isipin na ang mga nasa posisyon sa politika ay kadalasan ay mga mayayaman. Parang hindi nila naiintindihan ang mga pinagdadaanan ng mga mahihirap. Sana, mas marami pang mga pulitiko na talagang nagmamalasakit sa bayan at hindi lang naghahangad ng kapangyarihan.

    ReplyDelete

Post a Comment